MGA KAALAMAN TUNGKOL SA ALLERGY
Ang allergy ay ang kondisyon kung saan
nagpapakita ng matinding reaksyon ang katawan mula sa mga bagay-bagay, gaya ng
pollen ng halaman, balahibo ng hayop, mga substansya o gamot, at iba pa. Dito'y
maaaring makaranas ng pamumula ng balat, pangangati, pamamaga, at pagsikip ng
daluyan ng paghinga. Ang reaksyong ito ay dahil sa pagkilos ng immune system ng
katawan upang labanan ang ilang ispesipikong bagay sa pag-aakalang makasasama
ito sa katawan. Ang allergic reaction ay maaaring maranasan lamang ng iilan.
ANO ANG SANHI NG ALLERGY?
Ang immune system ng katawan ay ang responsable sa pakikipaglaban sa mga impeksyon ng bacteria, virus at iba pang bagay na maaaring makasama sa katawan. Sa pamamagitan ng mga ispesipikong antibodies na nililikha ng immune system, aktibong nalalaban ang mga nanghihimasok sa katawan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang pagkilala ng immune system. Kapag may allergy, itinuturing ng immune system na makasasama ang isang ispesipikong bagay na nalanghap, nainom, nakain o nadikit sa balat kahit na hindi naman talaga. Ang antibodies ay maaaring maglabas ng substanysang histamine na siya namang nagdudulot ng mga kakaibang reaksyon sa katawan, na minsan ay nagiging grabe at maaring maging delikado sa buhay. Sinasabing ang pagkakaroon ng allergy ay namamana o nakukuha mula sa mga magulang.
ANU-ANO ANG MGA BAGAY NA MADALAS NA NAGDUDULOT NG
ALLERGY?
Ang
allergy ay maaaring dahil sa ilang mga bagay na nalalanghap, naiinom, nakakain
o kaya ay nadidikit sa balat. Tinatawag ang mga ito na allergens. Ang
mga karaniwang allergens ay ang sumusunod:
- Allergens na nalalanghap: Pollen ng halaman, alikabok,
balahibo ng hayop
- Allergens na nakakain: seafood, mani, isda, gatas, o itlog
- Allergens sa mga gamot: Penicillin at iba pang
antibiotics
- Allergens na nakaaapekto sa balat: kagat ng insekto, goma at iba
pang artipisyal na materyal.
Ang reaksyo ng katawan mula sa allergy ay
depende sa bawat indibidwal. Maaaring katamtaman lang ang reaksyon na maaari
namang pahupain sa loob ng ilang oras. Ngunit sa ibang pagkakataon, maaaring
maglabas ng matinding reaksyon ang katawan na maaaring magdala ng panganib sa
buhay. Ang grabeng reaksyon ng katawan dahil sa allergy ay tinatawag na anaphylaxis. Ang
pagkakaroon ng allergy ay maaari din magdulot ng atake ng ibang karamdaman gaya
ng hika, dermatitis o kaya ay allergic rhinitis.
Doc,asan ako pwede magpunta magpagamot?my alergy rhinitis po ako..asan ospital..cnong doktor?
ReplyDeleteDoc,asan ako pwede magpunta magpagamot?my alergy rhinitis po ako..asan ospital..cnong doktor?
ReplyDelete