Friday, April 3, 2015

ANO ANG MGA KOMPLIKASYON NG ALLERGY?

MGA KAALAMAN TUNGKOL SA ALLERGY

Ang allergy ay ang kondisyon kung saan nagpapakita ng matinding reaksyon ang katawan mula sa mga bagay-bagay, gaya ng pollen ng halaman, balahibo ng hayop, mga substansya o gamot, at iba pa. Dito'y maaaring makaranas ng pamumula ng balat, pangangati, pamamaga, at pagsikip ng daluyan ng paghinga. Ang reaksyong ito ay dahil sa pagkilos ng immune system ng katawan upang labanan ang ilang ispesipikong bagay sa pag-aakalang makasasama ito sa katawan. Ang allergic reaction ay maaaring maranasan lamang ng iilan.

ANO ANG SANHI NG ALLERGY?

Ang immune system ng katawan ay ang responsable sa pakikipaglaban sa mga impeksyon ng bacteria, virus at iba pang bagay na maaaring makasama sa katawan. Sa pamamagitan ng mga ispesipikong antibodies na nililikha ng immune system, aktibong nalalaban ang mga nanghihimasok sa katawan. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang pagkilala ng immune system. Kapag may allergy, itinuturing ng immune system na makasasama ang isang ispesipikong bagay na nalanghap, nainom, nakain o nadikit sa balat kahit na hindi naman talaga. Ang antibodies ay maaaring maglabas ng substanysang histamine na siya namang nagdudulot ng mga kakaibang reaksyon sa katawan, na minsan ay nagiging grabe at maaring maging delikado sa buhay. Sinasabing ang pagkakaroon ng allergy ay namamana o nakukuha mula sa mga magulang.

ANU-ANO ANG MGA BAGAY NA MADALAS NA NAGDUDULOT NG ALLERGY?

Ang allergy ay maaaring dahil sa ilang mga bagay na nalalanghap, naiinom, nakakain o kaya ay nadidikit sa balat. Tinatawag ang mga ito na allergens. Ang mga karaniwang allergens ay ang sumusunod:
  • Allergens na nalalanghap: Pollen ng halaman, alikabok, balahibo ng hayop
  • Allergens na nakakain: seafood, mani, isda, gatas, o itlog
  • Allergens sa mga gamot: Penicillin at iba pang antibiotics
  • Allergens na nakaaapekto sa balat: kagat ng insekto, goma at iba pang artipisyal na materyal.


Ang reaksyo ng katawan mula sa allergy ay depende sa bawat indibidwal. Maaaring katamtaman lang ang reaksyon na maaari namang pahupain sa loob ng ilang oras. Ngunit sa ibang pagkakataon, maaaring maglabas ng matinding reaksyon ang katawan na maaaring magdala ng panganib sa buhay. Ang grabeng reaksyon ng katawan dahil sa allergy ay tinatawag na anaphylaxis. Ang pagkakaroon ng allergy ay maaari din magdulot ng atake ng ibang karamdaman gaya ng hika, dermatitis o kaya ay allergic rhinitis.

Wednesday, April 1, 2015

When is the best time to drink Sante Pure green barley juice?


Its generally safe to drink Sante Pure Barley juice anytime since its is made from pure barley grass from New Zealand.

Although its safe to drink anytime of the day, it is highly recommended to consume Sante Pure Barley Juice 30 minutes before meal or at least 2 hours after meal.
Mix Sante Pure Barley Powder with cold or room temperature water, as hot liquid will break down the live enzymes.
According to Dr. Yoshihide Hagiwara, a Japanese scientist who revealed the health benefits of drinking green barley, the best time to drink Green Barley Juice is in the morning when your stomach is empty. Green Barley Juice provides the needed nutrition that our body needs.
Study says that drinking barley juice in the afternoon also removes drowsiness while drinking green barley juice before sleeping helps in lowering the acids in blood and it also helps us sleep well.


MGA KAALAMAN TUNGKOL SA ATAKE SA PUSO



MGA KAALAMAN TUNGKOL SA ATAKE SA PUSO


Ang atake sa puso (Ingles: heart attack; medical: myocardial infarction) ay isa sa pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, maging sa Pilipinas. Ang sanhi nito ay ang kakulangan ng suplay dugo sa puso, na siyang nagdudulot sa pagkamatay ng laman (muscles) sa puso. Kapag malaking bahagi ng puso ang naapektuhan ng atake sa puso, maaaring bumigay na ng tuluyan ang puso at ito ay pwedeng maging sanhi ng pagkamatay. Ang ilang salik na makapagpapataas ng posibilidad ng atake sa puso ay ang sumusunod:
  • Hypertension o high blood
  • Sobrang katabaan o obesity
  • Paninigarilyo at pagkain ng matataba
  • Diabetes
  • Kasaysayanng sakit sa pamilya

PAANO NAGAGANAP ANG ATAKE SA PUSO?

Ang puso ang nagsisilbing bomba na nagsusuplay ng dugo sa buong katawan. Ngunit gaya ng alinmang bahagi ng katawan, ang puso ay nangangailangan din ng tuloy-tuloy na suplay ng oxygen upang manatiling gumagana. Kapag ang ugat na nagsusuplay ng dugo sa puso (coronary arteries) ay nabarahan ng taba at sobrang cholesterol, at kulang na ang dugong dumadaloy sa puso, unti-unting mamamatay ang kalamnan ng puso hanggang sa manghina ito at bumigay na maaaring sanhi naman ng kamatayan. 

I have a SOLUTION for you.


Did you know that 11.5 Million Filipinos have hypertension?
According to World Health Organization, hypertension or high blood pressure is the most common disease in the Philippines and in some parts of Southeast Asia.
Can Barley cure your Hypertension?
Hypertension is a permanent medical condition but Barley contains enzymes that can help you feel better and avoid the symptoms of Hypertension.
Barley contains enzymes such as Fatty Acid Oxidase, Peroxidase, Catalase, Cytochrome Oxidase and Transhydrogenase that cause decomposition of fats in our bodies.
Barley has chlorophyll which helps in cutting excess cholesterol and triglycerides and other lipids. Pure Barley also contains soluble fiber that helps in metabolizing fats, cholesterol and carbohydrates.
And best of all, Green Barley keeps the blood vessels elastic, keeps the blood flow smoothly, melts away plaque that exists in blood vessels, and also reduces blood clots and bad cholesterol.
   

UBO (COUGH)

Ahem ahem! Ubo naman ang ating talakayin! Ating pag-usapan ang ubo at ang mga iba't ibang sanhi nito. Una lahat, sa totoo lang, ang ubo mismo ay hindi sakit, ito'y isang sintomas ng sakit. Kaya tayo napapa-ubo ay para mailabas ng katawan ang mga maduming particles na napupunta sa ating baga. Kabilang dito ang alikabok at iba pa, o kaya naman mga bacteria o mikrobyo. Minsan, mga bahagi rin ng pagkain ay maaring mapagawi papunta sa baga - kaya kapag nasamid ng pagkain na nauubo rin tayo. Kapag ang isang tao ay inubo, ano kaya ang iisipin natin? Una, ang pangkarinawang ubo na kasa-kasama ng sipon. Diba nga, "Ubo't sipon" ay palaging nababanggit na magkasama; sila ay pinaka-popular na tambalan sa mga sakit. Gaya ng sipon na dulot ng virus, maari ring dulot ng virus itong ubo. At gaya ng sipon kusang nawawala ang ubong ito. Maraming mga pinagtitindang "gamot sa ubo" at tiyak na may mababanggit kang pangalan ng gamot gaya ng mga "cough syrup" kontra sa ubo. Ang mga ito ay maaring makabawas ng sintomas at mas makagaan ng pakiramdam, ngunit hindi nila kayang tanggalin ng basta-basta ang ubo! Ang pag inom ng maraming tubig ay mabuti. Okay rin ang pag-inom ng mainit na salabat at iba pang gamot na hango sa mga halaman gaya ng lagundi. Pero kung "herbal medicine" na ipinagbibili ay iyong ginagamit, maging maingat, at siguraduhing may basehan ba ang sinasabi nilang nakakagaling ito ng kung ano-ano. Ngayon naman, kung ang tambalan'g "ubo't sipon" ay nasamahan na ni "lagnat" at iba narin ang kulay ng plema -- kung berde na o dilaw - maaaring bacteria at hindi virus ang nagdudulot nito. Paano natin masasabi? Kailangang magpatingin sa doktor. Sa pamamagitan ng kanyang stethoscope ay maririnig niya kung may problema sa baga. Baka kailanganin ring kunan ng X-ray o iba pang mga examination. Kung ang diagnosis ng doktor ay bacterial ang ubo mo, maari siyang magreseta ng antibiotics. Tandaan na kung ang sinabi ay 7 araw, talagang dapat 7 araw mong iinumin ang gamot para masupil ang mikrobyo. Ngunit hindi lahat ng ubo ay dala ng mikrobyo. May ubong dala ng "allergy" at ito ay kilala bilang "asthma" o hika. Makikilala mo ito sa huni ng paghinga ng taong may hika, o hinihika. Hirap huminga ang mga ito, at ang ubo ay pasumpong-sumpong, kadalasan sa gabi o kaya naman pagkatapos ng nakakapagod na gawain. Iba rin ang lunas sa asthma o hika, at tatalakayin natin ito sa isang nakabukod na article. Kung ang ubo naman ay tuloy-tuloy na higit na sa 2-3 linggo, at minsan kung may dugong nakikita sa plema, o di kaya nama'y kulay kalawang ang plema, TB o tuberculosis ay maaaring isipin. Ngunit hindi dapat mabahala kung TB ay iniisip na posibilidad. Matagal man ang gamutan, basta masipag ka ay kayang-kaya magamot at mapuksa ang TB. Kung naaayon ang kalagayan mo sa aking inilarawang matagal na ubo't iba ang kulay ng plema, magpakonsulta! Dahil napakapangkaraniwan ng ubo, marami pang iba't ibang sanhi ito. Binanggit lang natin ang tatlong pinaka-karaniwan. Kung hindi ka nakakatiyak kung anong nagsasanhi ng ubo mo ay mabuti pa't magpatingin ka na sa lalong madaling panahon. Ika nga ng kasabihan, "Ang taong maagap ay mas mabuti pa sa masipag!"

MGA KAALAMAN TUNGKOL SA PAGTATAE O DIARRHEA


Ang pagtatae o diarrhea, kilalarin sa tawag na loose bowel movement o LBM, ay ang sakit na tumutukoy sa matubig o malambot na pagdumi ng tao na kadalasan ay hindi kayang mapigilan. Ito ay karaniwang karamdaman na maaaring maranasan ng lahat ng tao sa kahit na anong edad at kasarian. Maraming dahilan kung bakit nakakaranas ng pagtatae ang isang tao, maaaring ito ay dahil sa nakain, o kaya naman sa impeksyon at iritasyon sa large intestine. Maaari ding dahil sa isang mas seryosong sakit. Ang pagkakaroon ng diarrhea ay maaring magdulot ng dehydration at panghihina ng katawan lalo na kung mapapabayaan.

ANO ANG SANHI NG PAGTATAE O DIARRHEA?

Ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkakaroon ng diarrhea ay ang pagkakaroon ng impeksyon ng virus sa mga bituka. Ang kondisyong ito ay tinatawag na intestinal flu o stomach flu. Narito ang ilang pang maituturong sanhi ng pagtatae:
  • Impeksyon ng bacteria sa bituka na maaaring dahil sa pagkaing marumi o panis na.
  • Impeksyon ng ibang pang buhay na organismo o parasitiko gaya ng amoeba.
  • Pagkain hindi tinatanggap ng tiyan, gaya ng gatas para sa mga tao na may kaso ng lactose intolerance.
  • Iba pang sakit sa bituka gaya ng Crohn's Disease at Ulceratice Colitis, o kaya Kanser.
  • Nakalipas na operasyon o gamutan sa tiyan
  • Diabetes
  • Sobrang pag-inom ng alak
  • Sobrang pag-inom ng mga gamot

PAANO NAGKAKAROON NG MATUBIG NA PAGTATAE?

Ang matubig na pagtatae na maaring dulot ng mga nabanggit sa itaas ay nagaganap kapag ang daluyan ng pagkain at dumi, partikular ang large intestine, ay hindi gumagana ng maaayos. Maaaring mayroong bagay sa ilalabas na dumi ang humihigop ng tubig mula sa bituka (osmotic diarrhea) o kaya naman ay kusang naglalabas ng tubig ang tiyan, bituka at iba pang glandula sa daluyan ng pagkain dahil sa isang impeksyon (secretory diarrhea). Ang dumi ay maaari din magtaglay ng mga nana at dugo (exudative diarrhea) dahil sa iba pang sakit sa bituka gaya ng ulcer at Crohn's Disease.   

Saturday, March 28, 2015

A Glass of Barley Juice has 11 times more Calcium than a Glass of Milk

You need more CALCIUM everyday because bone nutrition experts say that up to 60% calcium intake may not be absorbed by the body and may be lost.
Barley has more Calcium than Milk  
Barley has more Calcium than Cows Milk
Pure barley grass has 11x more calcium than cow’s milk plus other nutrients that your bones need like:
MAGNESIUM – promotes calcium absorption and retention.
PROTEIN – helps build and repair tissues including bones.
ZINC – essential for growth and helps maintain bone health.

Pure barley also contains boron, iron, copper, phosphorous, Vitamins A, K E and C that your bone needs.

Barley Max NZ: Piolo Pascual is now on Grass

Im on Grass – three words that matinee idol Piolo Pascual mentioned in his Barley Max NZ TV commercial which was launched last sunday. Piolo Pascual finally found the real complete food with a power-packed nutrient profile for strength, stamina and energy.

Barley Max NZ by Piolo Pascual
Barley Max NZ by Piolo Pascual

Sante Barley, along with its latest endorsers Piolo Pascual, Ian Banzon, and Keith Peralta recently launched Sante Barley Max – the newest consumer product of Sante International that is now available in Mercury Drug Store nationwide.